Filipino Poems and the Tagalog Language
Filipino poems are a beautiful and wonderful way to learn about the Tagalog language. If you have ever listened to music from the Philippines, you know how beautiful the language can be, especially when put into poetic form.
Many of the classic Pilipino poetry (the "F" is actually an inherited English letter) were written in Spanish due to the large influence from Spain. However, some classical authors such as Francisco Balagtas kept true to his cultural heritage and became as influential on the Tagalog language and literature as Shakespeare was in English (although some of his writings were in Spanish, as can be seen in his poem titled "Al Lector"). Nonetheless, in recent years with the expansion of globalization, Filipinos writing in English have become common practice as seen from the famous writer F. Sionil José and Nick Joaquin.
These short poems listed below are only a few of the many great Filipino writings, especially "tula" (poetry). They are about life, love, and other areas of cultural significance for the Philippines.
Al Lector
by Francisco Balagtas
Gracias a tí, lector querido, si a mis desvelos das valer; que la poesía, aunque brote de mi caudal escaso, la aprovechará quien sondearla quiera. Si a las primeras de cambio parece acedo y acre, por la agrura e inmadurez de la corteza, pruebe la vainilla pulposa del fruto y catará sabor agradable el docto lector. No pretendo estima en demasía, haga chacota y ludibrio de mis pobres versos; haz lo que quieras, que el arpa está en tus manos, pero no cambies únicamente el verso. Si a tu lectura hallas verso impropio, antes de darlo al raspadillo, o por erróneo, examínalo bien de arriba a abajo, y lo verás limpio y correcto. Si viene, anotado, cualquier pie de verso, si no lo entiende porque es un erudito decir, fije la vista hacia abajo, y comprenderá todo su sentido. Hago punto aquí, ¡oh lector discreto! Así no me pase lo de Segismundo, que un tan dulce y sabroso lenguaje trocó en salobre, a fuerza de cambiar el verso.
Tagalog Poems
Ang Awit ni Maria Clara
by José Rizal
Kay tamis ng oras sa sariling bayan, Kaibigan lahat ang abot ng araw, At sampu ng simoy sa parang ay buhay, Aliw ng panimdim pati kamatayan. Maalab na halik ang nagsaliw-saliw Sa labi ng inang mahal, pagkagising; Ang pita ng bisig as siya'y yapusin, Pati mga mata'y ngumgiti mandin. Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay, Doon sa kasuyo ang abot ng araw; Kamatayan pati ng simoy sa parang Sa walang pag-ibig, ni ina, ng Bayan.
Sa Tabi ng Dagat
by Ildefonso Santos
Marahang-marahang manaog ka, Irog, at kata'y lalakad, maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari'y kinuyom na rosas! Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, nguni't walang ingay, hangganq sa sumapit sa tiping buhangin... Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nanginigmi, gaganyakin kata sa nangaroroong mga lamang-lati: doon ay may tahong, talaba't halaang kabigha-bighani, hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdadapit-hapon kata'y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw... Talagang ganoon: Sa dagat man, irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan...
Ang Kanyang Mga Mata
by Clodualdo del Mundo
Dalawang bituing kumikislap-kislap sa gitna ng dilim. . . Tambal ng aliw na sasayaw-sayaw sa tuwing ako'y naninimdim. . . Bukang-liwayway ng isang pagsintang walang maliw! Takipsilim ng isang pusong di magtataksil!
Bayan Ko
by José Corazón de Jesús
Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto't bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda't dilag. At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa. Ibon mang may layang lumipad kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas! Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha ko't dalita Aking adhika, Makita kang sakdal laya.